-- Advertisements --
Ikinokonsidera ng European Union na gamitin ang mga frozen financial assets ng Russia na pantulong sa Ukraine.
Nasa $3 bilyon kada taon kasi ang mga Russian assets na malaking tulong umano para ipambili ng mga gamit na pandigma sa Ukraine.
Ayon sa European Commission na ang nasabing proposal ay kanilang tatalakayin sa summit ng mga opisyal ng EU.
Tiwala naman si German Chancellor Olaf Scholz na papanigan ng mga lider ng EU ang nasabing panukala.
Magugunitang makailang ulit ng nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng tulong militar para tuluyang masugpo ang ginagawang paglusob ng Russia.










