Personal na bumisita si European Union Ambassador to the Philippines Luc Veron sa headquarters ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City.
Sa isang statement, sinabi ng WestMinCom na sa pagbisita ng naturang envoy ay ipinagbigay-alam din sa kaniya ni WestMinCom commander LtGen. William Gonzales ang mga security updates sa mga lugar na nasasakupan ng kanilang hukbo.
Kasunod nito ay ipinahayag naman ni Veron ang kaniyang baon na maraming mga inisyatiba at proyektong ipapatupad sa operational area ng naturang hukbo.
Kasabay nito ay binigyang-diin din ng Ambassador ang suporta ng European government sa peace process sa Mindanao, partikular na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Samantala, kasunod nito ay nakatakda naman dumalo si Veron sa ceremonial switch-on ng unang solar battery-diesel hybrid power plant sa Mindanao na ginawa upang umalalay sa power supply sa island settlements sa mga munisipalidad ng Sitangkaiz at Sibutu sa Tawi-Tawi. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)