-- Advertisements --

Muling magsasagawa ng pagpupulong ang House Committee on Ethics and Privileges kasunod ng patuloy na pag absent ni suspended Rep. Arnolfo Teves.

Kinumpirma ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman Rep Felimon Espares na nakauha na sila ng jurisdiction na magsagawa muli ng motu proprio investigation kay suspended Negros Oriental Rep.Arnolfo Teves dahil sa patuloy nitong pagliban sa Kamara matapos ma lapse ang 60 day suspension na ipinataw sa kaniya ng kamara.

Muling magpupulong ang Komite sa darating na May 29 para mapakinggan at ma process ang kaso na isinumite sa komite.

Sinabi ni Espares na isusumite nila ang kanilang rekumendasyon sa plenaryo ng sa gayon mapag desisyunan ito ng mga mambabatas kung ano ang kanilang magiging desisyon sa kaso ni Teves.

Sa kabilang dako, ayon naman kay House Secretary General Reginald velasco na walang natatanggap ang kamara ng bagong request kaugnay sa request ni Teves ma makapagpaliwanag sa ethics commitee.