-- Advertisements --
Pinangunahan ni Neil Etheridge ang 26-man lineup ng Philippine Azkals na sasabak sa dalawang unang laban nila sa second round ng World Cup/ Asian Cup Qualifiers.
Si Etheridge ang regular na manlalaro ng Azkals mula sa pagbabalik ni coach Michael Weiss.
Kabilang din sa line up ng Azkals sina Patrick Reichelt at ang magkapatid na Manny at Mike Ott.
Unang makakaharap ng Azkals ang Vietnam sa Nobyembre 16 habang sa Nobyembre 21 naman ay makakaharap ang Indonesia na ito ay gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.