-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang estudyante nang mabundol ng pampasaherong jeep sa Cotabato City.
Nakilala ang biktima na si Farida Uyag, 19, dalaga, estudyante ng Coland College at residente ng Brgy Gambar, Mother Kabuntalan, Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya nabundol umano ang biktima ng isang pampasaherong townace jeep habang papatawid ito sa kalsada sa bahagi ng Sinsuat Avenue sa gilid ng PC HILL, Cotabato City.
Mabilis ang takbo ng jeep at hindi na umano magawang makapagpreno at nabundol ang dalaga.
Nagtamo ng matinding head injury ang biktima at nabagok pa ang ulo niya sa kalsada.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa naturang pangyayari.