-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang Isang estudyante matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa Isang waiting shed Brgy. Osmeña, Ilagan City.

Nakilala ang driver ng motorsiklo na si Vince Alexander Merca, may-asawa; habang ang kanyang backrider naman na binawian ng buhay ay si Patrick Saladino, mag-aaral, na kapwa 18-anyos at residente ng Tangcul, Ilagan.

Ayon sa Ilagan City Police Station, binabaybay ng motorsiklo ang national road patungo sa timog na direksyon nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan nang biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang tsuper dahilan upang sumalpok sila sa waiting shed malapit sa tanggapan ng DENR.

Nagtamo ng mga malalang sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at nagawa pang madala sa pagamutan ng mga tumugon na kasapi ng Dart Rescue 832 ngunit ideklarang dead on arrival si Saladino.

Napag-alaman na lasing ang dalawa nang mangyari ang aksidente.