-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nasawi ang dalagitang mag-aaral matapos na malunod nang tumaob ang kanyang sinasakyang bangka sa Cabisera 6-24, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isang 14 anyos na taong gulang ang biktima, estudyante at residente rin ng naturang barangay.

Batay sa mga kasama ng dalagita, patungo ito sa isang barangay sa Ilagan City at nagpasama sa kanyang pinsan.

Sumakay sila ng bangka na luma na umano at may mga butas.

Nang nasa gitna na sila ng ilog ay naramdaman nila ang malakas na hangin at nagpaikut-ikot ang bangka bago tumaob.

Hindi umano alam ng dalagita na lumangoy kaya sinubukan siyang sagipin subalit hindi nila nakita at natagpuan na lamang ang katawan nito sa layong dalawang daang metro mula sa lugar kung saan sila nahulog.

Nagpaalala ang mga opisyal ng barangay sa mga residente na mag-ingat.

Unang pagkakataon naman ito na mangyari sa nabanggit na barangay.