Pinaalalahanan ng Estados Unidos ang China na hindi dapat nito gawing oportunidad ang hinaharap na coronavirus pandemic ng buong mundo.
Kasunod ito nang naglabasang report kung saan di-umano’y pinalubog ng Beijing ang isa sa mga fishing vessel ng bansang Vietnam sa South China Sea.
Kasabay ng krisis sa coronavirus ay ang pagpapaigitng naman ng China sa kanilang research stattions at special military aircraft sa naturang dispute-rife sea.
Nanawagan naman si State Department spokeswoman Morgan Ortagus sa Beijing na magfocus na lamang sa pagtulong nito na suportahan ang mga bansa para labanan ang nararanasan na global pandemic.
“This incident is the latest in a long string of PRC actions to assert unlawful maritime claims and disadvantage its South-east Asian neighbors in the South China Sea,” saad ni Morgan.
Nakiusap din ito na tigilan na ng nasabing bansa ang panggugulo sa iba pang estado para lamang palawigin ang kanilang presensya sa South China Sea.
Una nang nagprotesta ang Vietnam laban sa China matapos nitong harangin, banggain at palubugin ang kanilang barko na may lulan na walong mangingisda malapit sa Paracel Islands.
Tulad ng China at Taiwan, isa rin ang Vietnam sa mga bansa na umaangkin sa soberanya ng Paracel Islands. Nais ng Vietnam na tulungan ng Beijing ang mga mga biktimang mangingisda at disiplinahin ang mga opisyal na responsable sa insidente para hindi na ito maulit.










