Screenshot 2020 06 03 19 37 03 17

Inihalintulad ng distribution utility na More Electric and Power Corporation (More Power) sa isang bomba na ano mang segundo ay maaaring sumabog ang estado ng power system sa Iloilo City na kanilang tinake-over noong Pebrero 28, 2020 matapos kanselahin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operation permit ng Panay Electric Company (PECO) na may 96 taong nangasiwa sa power supply ng lalawigan.

Ayon kay More Power President Roel Castro, nakakalungkot ang sitwasyon ng distribution system sa Iloilo City nang kanila itong abutan, pangunahin na ang kalagayan ng limang substations na siyang pinakamahalagang bahagi ng power distribution system, isa umano dito ay 90 percent ang loading capacity na sobra-sobra sa itinatakda na 70 percent.

Habang ang Mandurriao substation ay kinakitaan ng mataas na antas ng methane, ethane, ethylene at acetylene na maaaring magoverheat at sumabog habang ang iba pang substations ay mga bulok na ang pasilidad at may mataas na antas ng dissolved gas dala ng pagkasira ng mga oil at paper insulation.

“If we liken it to a person who underwent blood analysis, the oil in the substations have high cholesterol, uric acid, and triglycerides. The substations are very sick because there are gases that are over 100 times over the limit. I am sorry to be frank but bulok ang sistema that we took over,” pag-amin ni Castro.

Bukod sa problema sa mga substations, sa report ng Engineering Consultant na Meralco Industrial Engineering Services Corporation (Miescor) ay may 900 hotspot pa kabilang dito ang 144 transformers, powerlines at concrete poles ang kailangan na agad mapalitan.

Upang maiwasan ang panganib sa pagkasunog ng mga linya ng kuryente at mas malawak na blackout ay agad na ipinatupad ng More Power ang Comprehensive Preventive Maintenance sa mga substations na syang dahilan kung bakit nakararanas ngayon ng power supply interruption.

“We have to implement brownouts because if we don’t do this now the facilities will explode ,we have to undertake the maintenance works and it needed a maximum of 13 hours to complete the process,”paliwanag ni Castro.

Aniya isang linggo umano bago ang naka-schedule na maintenance ay ipinaaalam nila sa mga maapektuhang residente ang magaganap na power interruption.

Ipinaliwanag naman ni Engr. Fil Sonza ng Technical Services Division na dati ding empleyado ng PECO, na kung noon ay nakakararanas ng biglaang brownout dahil sa sirang distribution system, sa ngayon ang nararanasang power interruption ay dahil sa isinasaayos na nila ang pasilidad.

Aminado si Engr. Rey Jaleco, project development and management head ng More Power na hindi maiiwasan na magkaroon ng mahabang oras ng power interruption sa malaking bahagi ng Iloilo City tuwing nagsasagawa sila ng maintenace works dahil na rin sa lumang technology na gamit ng PECO na single line.

“The current system that we took over from PECO is very obsolete as it is radial or runs through only a single line which causes cascading brownouts in the entire system.We are planning to use a loop system to isolate brownouts instead of a massive outage”pahayag ni Jaleco.

Sinabi ni Castro na P300 million ang inilaan ng More Power para sa makabagong loop system.

“The system right now is all manual. If there are problems in the system, you to have to manually open or close it. In the new loop system it will allow us to redirect supply from a substation or line feeder that conked out to another line so that there will be no or minimal brownouts in terms of coverage and length,” dagdag ni Castro.

Humingi naman ng pang-unawa ang More Power sa mga residente na naapektuhan ng kanilang ginagawang maintenanec work, kapalit umano ng kaunting incovenience ay mas maayos, ligtas at murang kuryente para sa buong Iloilo City.