-- Advertisements --

Ipinahayag ni incoming DSWD Sec. Erwin Tulfo na hindi siya mag-aatubili na lumapit sa kaniyang mga kamag-anak at kakilala sa Kongreso upang humingi ng tulong hinggil sa mas mabilis na pagpapasa ng mga panukalang batas.

Ito ay dahil pa rin sa mga programa at batas na nais niyang maipatupad para sa taumbayan sa oras na pormal na siyang maupo bilang kalihim ng naturang kagawaran.

Sa programang Kapihan sa Manila Bay ay sinabi ni Tulfo na marami nang nagawa ang kasalukuyan at nakalipas na administrasyon para sa bayan ngunit hindi pa rin maipagkakailala na marami pa rin aniyang trabaho ang kailangan gawin para sa kapakanan at pag-unlad ng buong Pilipinas kabilang na ang pagpapasa ng mga bagong batas.

Aniya, kung kinakailangan ay maaari siyang humingi ng tulong sa nakababatang kapatid na si Senato-elect Raffy Tulfo para mas mapabilis pa ang pag-apruba sa mga panukalang batas na nais niyang mai

Samantala, aminado naman si Tulfo na kawalan ng pondo ang isa sa malaking suliranin ng DSWD upang maisakatuparan ang mga programang nais isagawa nito para sa mga Pilipino partikular na sa mga mahihirap.

Kaya kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon at sapat na pondo ay nais niyang magpatayo ng Youth Rehabilitation Center sa bawat rehiyon sa buong Pilipinas para sa mga street children.

Layunin nito na pag-aralin, pakainin, arugain, at bigyan ng magandang kinabukasan ang mga batang lansangan na karaniwang ginagamit ng mga sindikato sa paggawa ng masasamang gawain

Magugunita na una nang hiniling ni incoming DSWD Secretary Erwin Tulfo sa mga nagdududa sa kaniyang kakayahan na bigyan siya ng anim na buwan hanggang isang taon upang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang kalihim ng kagawaran at kung hindi niya raw ito maayos na magampanan sa loob ng nasabing panahon ay handa siyang bumaba at bitawan ang kaniyang pwesto.