-- Advertisements --

Ligtas ang nasa 420 pasahero at crews ng isang pampasaherong eroplano matapos na ito ay mabalahaw sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) lumapag sa NAIA Terminal 1 ang Saudia Airlines na isang Boeing 777-368 na may flight number SV862 ng bigla nag-overshoot ang anim na landing gears nito sa gilid ng runway.

Agad na inilikas ang mga pasahero ng eroplano at sila ay inilipat sa isang eroplano.

Personal na binisita nina MIAA General Manager Ed Monreal at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Captain Jim Sydiongco ang nasabing lugar at tiniyak na hindi apektado ang ibang mga flights.