-- Advertisements --

Pinanangagambahang walang nakaligtas na pasahero sa nangyaring pagbagsak ng eroplano sa southern China.

May lulan na 132 katao ang China Eastern Airlines Boeing 737 na galing sa Kunming patungong Guangzhou ng ito ay bumagsak sa Guangxi province at nasunog.

Aabot sa mahigit 600 rescuers ang agad na nagtungo sa lugar maging ang mga bumbero ay agad na inapula ang sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

Madalang ang pagbagsak ng mga Chinese airlines kung saan ang pinakahuling matinding insidenteng naitala ay noon pang 12 ang nakakalipas.