-- Advertisements --

Inatasan ng Malacañang si Anti-Red Tape Authority (ARTA) Deputy Director General for Operations Undersecretary Ernesto Perez na pumalit sa posisyon ni Jeremiah Belgica bilang Director General ng ahensya hanggang sa katapusan ng termino ni Pangulong Rodrigo sa Hunyo 30.

Ito ay matapos suspindihin ng Ombudsman sina Belgica at iba pang apat na ARTA executives, sina Deputy Director General Eduardo Bringas, Division Chief Sheryl Pura-Sumagui, at Directors Jedrek Ng at Melamy Salvadora-Aspirin.

Ipinag-utos ng Ombudsman ang kalahating taong suspensiyon dahil sa mga reklamong graft na inihain ng mga opisyal ng Dito Telecommunity Corporation at para pigilan ang mga ito na e-monopolize ang imbestigasyon.

Si Perez ay unang itinalaga bilang pinuno ng ARTA noong Disyembre 2018 bago itinalaga si Belgica noong Hulyo 2019.