Pansamantalang isasara ang opisina ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Ortigas, Pasig City para sa pagpapatuloy ng disinfection activities laban sa COVID-19.
Sa isang public advisory, sinabi ng ERC na mula Lunes, July 27 hanggang Biyernes, July 31, ay mananatiling sarado ang kanilang opisina bilang bahagi rin ng preventine quarantine.
Nilinaw naman ng komisyon na tuloy pa rin ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng online transactions.
“During the period of the temporary closure, ERC will only accept transactions through our e-services. Kindly course all your inquiries online and visit us at www.erc.gov.ph”
Nakasaad din sa naturang advisory ang listahan ng mga e-mail addresses na maaaring pagdalhan ng mga mensahe at inquiries sa iba’t-ibang concern.