Nagbigay ng go signal ang Energy Regulatory Commission (ERC) para sa pagwawakas ng dalawang power supply deal, na may kabuuang 1,800 megawatts (MW), sa pagitan ng Manila Electric Company (Meralco) at ng isa pang energy company.
Matatandaan, noong Marso, ipinaalam ng Meralco at SMC Global Power’s Excellent Energy at Masinloc Power Partners sa ERC tungkol sa layunin ng mga power firm na wakasan ang kanilang power supply agreements para sa 1,200 MW at 600 MW.
Noong 2021, ang Excellent Energy at Masinloc Power ay parehong nakakuha ng 20 taong kontrata para sa supply ng 1,200MW at 600MW, na magkakabisa sa 2024 at 2025.
Sinabi ni ni ERC chairperson Monalisa Dimalanta, napagbigyan na ang kanilang kahilingan para sa pag-withdraw ng kanilang application sa nasabing usapin.
Nauna nang sinabi ng ERC chief na parehong nag-apply ang Meralco at SMC Global Power para sa pag-apruba ng power supply agreements noong Marso 2021.
Sinabi ng ng nasabing komisyon na ang mga power supply agreements ay hindi pa inaprubahan ng regulator.
Binanggit din ni Dimalanta na wala pang supply na kasalukuyang inihahatid sa Meralco mula sa naturang mga kasunduan.