-- Advertisements --
Nagtala ng record ang Eras Tour Concert Film ni Taylor Swift.
Sa loob lamang kasi ng isang linggo ng ito ay ipalabas ay kumita ito agad ng $100 milyon.
Ayon sa distributor ng pelikula na AMC na ang global advance ticket sales ay umabot agad ng $100-M.
Naging tumaas ang bumili ng mga tickets mula noong una na ito ay ianunsiyo.
Wala pa umanong 24 na oras bago basagin ng pelikula ang record nito na highest one-day sale.
Ito ang itinuturing na most profitable concert film sa kasaysayan na nahigitan ang “Never Say Never” ni Justin Bieber.