-- Advertisements --

Pinawi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang pangamba ng publiko sa epekto ng lumalalang tensyon sa pagitan ng US at Iran sa presyo naman ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Diokno na maaring umabot ng $90 per barrel ang global crude oil prices sa loob ng “sustainable period” bago maramdaman ng Pilipinas ang impact ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Iginiit ni Diokno na masyado pang maaga para mag-panic at hindi naman kasi aniya papayag ang US na sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa kabilang dako, naniniwala ang central bank chief na kakayanin ng ekonomiya ng Pilipinas ang mga pangyayari sa Gitnang Silangan bilang isa ito sa aniya’y “most resilient economies” sa mundo.