Hinimok ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvaña ang pamahalaan na magkaroon ng time frame upang makita ang ibubunga ng desisyon na gawing optional ang pagsususot ng face mask sa outdoor spaces.
Ayon pa sa eksperto kailangang magkaroon muna ng obserbasyon hinggil sa posibleng maging epekto ng mas pinaluwag na polisiya sa pagsusuot ng face mask.
Dagdag pa nito na ang pagluwag ng panuntunan sa pagsusuot ng facemask sa mga indoor spaces, nangangahulugan lamang ito na pagtanggal ng isa pang layer of protection.
Iginiit din nito na hindi lahat ng outdoor spaces ay ligtas kaya panawagan ng eksperto na ugaliin pa rin ang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga matataong lugar.
Inihayag pa nito na kailangang tingnan kung kakayanon ang optional set up sa pagsusuot ng face masks lalo’t dapat lang din na simulant ang pag-a-adopt sa tinatawag na new normal.