-- Advertisements --
Umaabot hanggang sa Southern Tagalog, Bicol region, Visayas at Mindanao ang epekto ng umiiral na low pressure area (LPA) at intertropical convergence zone (ITCZ).
Ayon kay Pagasa forecaster Shelly Ignacio, huling namataan ang LPA sa layong 240 km sa silangan ng Davao City.
Nananatili namang maliit ang tyansa nitong lumakas bilang bagong bagyo.
Gayunman, tatagal pa ang dala nitong ulan hanggang sa mga susunod na araw.
Habang hanging amihan naman ang magdudulot ng malamig na hangin at may kasamang ulan sa malaking bahagi ng Luzon.










