-- Advertisements --
Hinimok ng isang environmental group ang publiko na gawing maayos ang pagtatapon ng face masks, face shields at iba pang medical waste.
Ayon kay Marian Ledesma, zero-waste campaigner ng Greenpeace Philippines, dapat ihiwalay ng tatlong araw sa ibang basura ang mga natipon na medical waste para maiwasan din ang hawaan ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Bukod sa posibleng pagkalat ng deadly virus, sinabi ni Ledesma na posible rin kasing mapunta pa sa mga karagatan ang mga disposable masks at iba pang medical waste kung hindi wasto ang pagtatapon sa mga ito.
Sa kanilang pagtaya, aabot sa humigit-kumulang 280 metric tons ang infectious waste sa loob ng isang buwan noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.










