-- Advertisements --
Bubuksan sa publiko ngayong araw ng Gilas Pilipinas men’s and women’s national basketball teams para ipakita ang kanilang kahandaan sa Asian Games.
Gaganapin ang pinagsamang ensayo sa Philsport Arena sa Pasig City simula alas-4 ng hapon.
Sinabi ni Gilas Pilipinas Interim coach Tim Cone na libre ito sa publiko at nais nilang obserbahan sila sa kanilang ensayo.
Kasama niya ang womens coach na si Pat Aquino na magkakaroon ng interactions.
Matapos ang ensayo sa Pasig City ay lilipat ang koponan sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna simula sa Setyembre 16.
Magugunitang gaganapin ang 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa darating na Setyembre 23 kung saan magsisimula ang basketball games sa Setyembre 26 hanggang Oktubre 6.