Magkakaroon ng kauna-unahang engrandeng event ang pamahalaang lungsod ng Cebu para sa 2023 Countdown, na tinatawag na “Ball Drop and Crown Rise,”na nagtatampok ng fireworks display at live performances ng iba- ibang music artists sa huling araw ng Disyembre sa South Road properties (SRP) hanggang alas 2 ng madaling araw sa Enero 1.
Asahan ang mga local bands, dance groups, at pati na nag mga finalist sa mga best of Cebu Sinulog Idol 2023, at mayroon ding mga national and International artist na inimbitahan.
Kasam dito ang bandang Cueshe, sikat na Dj si Jennifer Lee, Kurt Fick at marami pang iba.
Sinabi ni Cebu City Councilor and Tourism Commission Head Jocelyn Pesquera na ang kaganapan ay magsisilbing prelude para sa pagdiriwang ng Sinulog sa Enero 2023 at isang simbolikong pagdiriwang ng tagumpay ng pamahalaang lungsod sa paglaban nito sa Covid-19 pandemic.
Ayon naman kay Councilor Joel Garganera,Committee on Peace and Order, na pamilya ang sentro ng pagsalubong ng Bagong Taon kaya witness ang kamangha-manghang palabas na aabangan.
Libre naman ang nasabing event na inihandog ng pamahalaang lungsod at pribadong sektor.
Dagdag pa nito na ang responsibilidad ng covid, sa parehong paraan
kailangan ring maging responsable sa araw ng programa upang magkaroong ng masaya at matiwasay na Bagong Taon ang lahat.
Isinaad din niya aabot sa 30 ka mga volunteer organizations at tinatayang aabot sa 200 ka mga personnel kasama ang polisya at risk reduction team na ide-deploy sa New Year’s countdown upang masiguro na maayos ang seguridad ng trapiko kaya mag de-deploy din ng electrical buses ang pamunuan ng lungsod ng Cebu upang ma-emphasize ang safety.










