Jesy 1
-- Advertisements --

Hindi maitago ng English pop star na si Jesy Nelson ang kaniyang saya sa release ng kaniyang debut solo artist project.

Noong October 8 nga ay inilabas ng singer at dating Little Mix member ang kantang “Boyz” kasama ang rapper na si Nicki Minaj, kung saan ito’y nakapasok sa Top 4 ng U.K. Singles Chart.

Sa pagbabahagi ng English pop star sa Star FM Baguio, sinabi nitong thankful siya sa walang sawang suporta ng mga fans ngayong solo artist na ito.

Samantala, inalala rin ng singer ang kaniyang mga unforgettable moments sa Pilipinas habang sila’y nasa tour noong 2016.

“Oh my God, I miss [the fans] so much. You have no idea. I just want to see all the fans. I just love them and I miss them and I wanna perform for them. A memory from the Philippines is that you’re literally the craziest fans in the best way possible. It was one of the best shows we’ve done. We loved it and I literally cannot wait to come back and perform for you guys again because you are so loyal. Thank you so much for all the love and support that you’ve given me however many years.”

-- Advertisement --

Sumikat nga si Jesy bilang miyembro ng sikat na British girl group na Little Mix mula 2011 hanggang 2020.