-- Advertisements --

Napilitan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ipagpaliban muna ang kaniyang pagbisita sa Oman upang bumalik sa kaniyang bansa at harapin ang insidenteng kinasangkutan ng isang pampasaherong eroplano.

Nabatid na 82 Iranians, 63 Canadian, 11 Ukrainians, 10 Swedish national, apat na Afghans, tatlong Germans at tatlong British nationals ang kasama sa halos 180 pasahero na nasawi nang bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano ilang minuto lamang matapos nitong mag-take off mula sa Imam Khomeini International Airport sa Tehran.

Dahil dito ay kumalat ang ispekulasyon na may koneksyon ang nasabing insidente sa sigalot na nagaganap sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Posible raw na aksidente itong pinabagsak ng Iranian air defence soldiers ilang oras lamang matapos magpakawala ng Iran ng 22 ballistic missiles sa base militar ng Amerika sa Iraq bilang higanti ng Iran sa pagpatay kay Gen. Qassem Soleimani.

Sa kabila nito ay nilinaw naman ng Ukrainian Embassy na wala itong koneksyon sa terror attack at engine failure umano ang naging dahilan ng pagbagsak ng sasakyang panghimpapawid.