Nakatakdang isuspendi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagkolekta ng taripa para mapababa ang singil sa kuryente sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na nagsagawa ng deliberasyon ang komisyon sa naturang isyu at kasalukuyan ng binabalangkas ang isang resolution para sa suspensiyon ng Feed-In Tariff Allowance (FIT-All) charges.
Saad ng ERC official na ang FIT-All rate na nakokolekta ng National Transmission Corp. (TransCo) mula sa on-grid consumers para bayaran ang renewable energy developers ay mas mababa sa P0.04 kada kilowatt-hour.
Umaasa ang opisyal na makakatulong ito upang maibsan at mabawasan kahit papano ang electricity rates.
Sisikapin aniya na mailabas ang naturang resolution para maipatupad ang suspnsiyon ng pagkolekta ng taripa na maging epektibo simula sa susunod na buwan hanggang sa Pebrero ng susunod na taon.