-- Advertisements --
LA UNION – Tumaas ngayon ang employment rate sa Region 1.
Ito ang kinumpirma ng Department of Labor & Employment (DOLE) Region 1 at gumanda ang sitwasyon ng trabaho kung ihahambing sa nakalipas taon 2018.
Base sa 2019 labor force survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Regional Director Nathaniel Lacambra na tumaas ng 1.5 percent ang employment sa rehiyon mula 93.2 hanggang 94.7 percent.
Base naman sa report ng DOLE Region 1, bummaba ang unemployment rate mula 6.8 hanggang 5.3 percent.