-- Advertisements --

Bumuhos ang emosyon sa mga fans ng basketball team ng Japan matapos na talunin nila ang Finland 98-88 sa Group E ng FIBA Basketball World Cup.

Sa simula ay hinabol pa ng Japan ang 18 points na kalamangan ng Finland.

Nanguna sa panalo ng Japan si US-born Josh Hawkinson na nagtala ng 28 points at 19 rebounds para sa Japan habang ang 5’7″ na local favorite na si Yuki Kawamur ay mayroong kabuuang 15 points.

Ito ang unang panalo ng Japan sa World Cup sa loob ng 17 taon na ang huli ay laban sa Panama noong FIBA World Championship pa ang tawag sa taong 2006.

Maging ang ilang mga Japanese basketball stars gaya nina Phoenix Sun’s player Yuta Watanabe at NBA G League Yudai Baba ay hindi nila lubos akalain na magwawagi sila kontra sa Finland.