Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Transportation (DoTr) at Land Transportation Office (LTO) na suspendihin ang requirement na emission testing bago makapagrehistro ng kanilang motor ang mga may-ari ng motorsiklo.
Ayon kay Rodriguez, dapat palawigin ng hanggang Disyembre 31 ng DoTr at LTO ang suspension sa emission testing requirement para bigyan na rin sila ng sapat ng panahon na silipin ang maraming reklamo at alegasyn laban sa mga privately-owned testing centers sa bansa.
Bukod dito, sinabi ni Rodriguez sa kanyang inihaing House Resolution No. 1007 na kabilang sa mga apektado ng COVID-19 pandemic ang mahigit 11 million motor vehicle owners sa bansa.
Dahil sa lockdown at quarantines sa maraming bahagi ng bansa, karamihan sa mga government transactions ang pansamantalang sinuspinde tulad na lamang nang pagpaparehistro ng mga sasakyan.
Kaya naman ngayong niluwagan na ang quarantine protocols at travel restictions, maraming mga nagmamay-ari ng mga sasakyan ang nagtutungo sa LTO para magparehistro.
Paglabag aniya ito sa umiiral na social distancing protocols, na pinangangambahang maging sanhi pa ng paglobo ng COVID-19 cases.