CAUAYAN CITY – Minamadali na ng Department of Social Welfare and Developtment (DSWD) regional office ang pagbibigay ng emergency shelter assistance sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni DSWD-2 administrative officer Chester Trinidad na nakahanda na ang budget na kanilang ipapamahagi sa bawat pamilyang nawalan ng bahay dulot ng kalamidad.
Para sa totally damaged na bahay ay P30,000 habang sa mga partially damaged ay P10,000.
Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin daw ang regional office sa National Housing Authority at Office of Civil Defense para sa karagdagang augmentation team.
Sa ngayon tuloy-tuloy naman daw ang pagdating ng tulong tulad ng mga pagkain, inuming tubig at iba pang pangangailangan.
Batay sa ulat nasa 266 ang naitalang damaged houses.
Kabilang dito ang 185 ang totally damaged at 81 na partially damaged.