Nagsimula nang maghain ng kanilang certificate of candidacy (COCs) ang mga aspiring candidates para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula sa 10 Enlisted Men’s Barrios (EMBO) nitong Lunes, August 28,2023.
Ayon kay Commission on Elections Chairperson George Garcia, ang mataas na turnout ng candidates sa Taguig Convention Center sa unang araw ng filing ng COCs ay nagpapatunay na marami ang kumilala sa deklarasyon ng poll body na ang Taguig City ang may jurisdiction ng Cembo, Comembo, Pembo, East Rembo, West Rembo, South Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside at Rizal.
Sinabi ni Garcia na sila ay nagpapasalamat dahil nilipat na ang filing of certificate of candidacy sa Taguig kung saan sinadya pa talaga ng mga aspiring candidates na mag-file ng kanilang certificates of candidacy.
Ayon kay Taguig City Election Officer Edgar Aringay naging maayos ang filing ng COC kahapon.
Sinabi ni Aringay na magkakaroon ng pagbabago sa mga precinct numbers para sa nasabing mga barangays, voting centers at classrooms kung saan ang mga EMBO barangays na dating bumubuto.
Maari naman i-check ang precint numbers para sa bawar barangay sa Comelec-Taguig.
Nagpapatuloy din ang voter education campaign para duon sa mga naapektuhan ng nasabing pagbabago.
Magtatapos ang filing ng CoCs para sa 2023 BSKE election hanggang sa September 2.