-- Advertisements --
Inimbitahan sa White House si Elton John bilang bahagi ng kaniyang marathon global farewell tour.
Personal itong makakaharap ni US President Joe Biden at Jill Biden sa South Lawn ng White House sa darating ng Setyembre 23.
Inaasahan na kakanta ang British singer ng ilang mga sikat nitong kanta sa harap ng US President.
Ang 75-anyos na si John ay tinaguriang top solo artist ng US chart sa kasaysayan ng Billboard at nakalista rin bilang “Greatest Artist of All Time”.
Nagsimula ang kaniyang “Farewell Yellow Brick Road” tour noong Setyembre 2018 na nag-umpisa sa Allentown, Pennsylvania.
Mayoong 300 gigs ito na ang huli ay sa Sweden sa Hulyo, 2023.