-- Advertisements --

Handang magbitiw sa kaniyang puwesto bilang chief executive ng Twitter si Elon Musk sakaling makahanap na ito ng papalit sa kaniya.

Kasunod ito sa resulta na isinagawa niyang survey sa Twitter kung saan marami ang bumuto na dapat na siya ay bumaba sa puwesto.

Aabot sa 57 percent ng boto sa 10 milyon votes ang pumabor sa pagbaba sa puwesto ni Musk.

Magugunitang nabili ni Musk ang Twitter noong Oktubre sa halagang $44 bilyon.

Umani ng batikos ang pamumuno nito sa Twitter dahil sa pag-block nito sa mga account ng ilang journalists sa US.