-- Advertisements --
Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng mga distribution utilities at electric cooperatives sa buong bansa na hatiin na lamang sa apat na bayaran ang magiging bill sa kuryente ng kanilang mga consumers.
Nangangahulugan nito na ang mga electric bill na mula Marso 15 hanggang Abril 30 ay idadag sa bill ng Mayo hanggang Agosto 2020.
Ayon kay ERC chairman Agnes Devanadera na walang penalty o interes ang dapat na ipataw sa mga hindi nabayaran mula Marso 15 hanggang Abril 30.
Nilinaw naman nito na hindi maaaring mailibre na ang mga bill ng nasabing mga buwan dahil para na rin iyan sa mga electric utilities.