-- Advertisements --

VIGAN CITY – Umatras na sa electoral protest nito ang natalong mayoralty candidate ng Narvacan, Ilocos Sur na humamon laban kay Mayor-elect Luis “Chavit” Singson.

Ito ang kinumpirma ng isa sa mga legal officer ng nanalong alkalde na si Atty. Edwin Concepcion sa panayam ng Bombo Radyo.

Ayon kay Concepcion, natanggap ng kanilang panig ang order mula sa korte kung saan nakasaad ang pag-withdraw ni Edgardo Zaragosa sa protesta nito kaugnay ng resulta ng eleksyon sa bayan ng Narvacan noong Mayo.

Hindi kasi ito naninwala na natalo siya ni Singson at iginiit na nagkaroon ng dayaan dahil sa mga nasirang vote counting machina at SD cards.

Batay sa resulta ng Commission on Elections, lumabas na lamang si Singson sa 16,000 votes nito kontra kay Zaragosa na nakakuha lamang ng 7,000.

Itinuturing na tagumpay ang pagkakapanalo ni Singon na dating Ilocos Sur governor dahil tinibag nito ang tatlong dekadang panunungkulan ng pamilya Zaragosa sa bayan ng Narvacan.