-- Advertisements --

Itutuloy ni Eldrew Yulo ang kaniyang training sa Japan matapos ang kaniyang kampanya sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships.

Sinabi ng kaniyang coach na si Reyland Capellan na babalik din sa bansa ang nakakabatang Yulo sa Disyembre 29.

Habang nasa Japan ay sasailalim ito sa pagsasanay kay Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Sa Japan din siya magpapagaling sa injury ng kaniyang right ankle na natamo sa katatapos na torneo.

Sa ngayon ay may mga target silang mga torneo na nakatakdang salihan kung saan plano din nilang mag-senior division na ang nakakabatang Yulo.