-- Advertisements --

Walang dapat na ipangamba sa mga bagong lumilitaw na Omicron subvariants ayon sa isang eksperto.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, ang mga bakuna na kasalukuyang ginagamit kontra sa COVID-19 ay epektibo laban sa severe COVID infection.

Kung kaya’t kinakailangan pa rin daw na mag-mask para mas mababa ang banta ng transmission.

Saad pa ni Dr Salvana na inaasahan na ang paglitaw ng bagong variants dahil ang nature ng virus ay mag-spread at mag-mutate.

Paliwanag din ni Salvana na wala pang ebideniya na nagpapakita na ang BA.2.75 ay iba mula sa ibang Omicron variants.

Mayroon ding preliminary study na nagpapakita na maaari itong maging mas transmissible subalit hindi pa ito nakukumpirma.

Inihayag din ni Dr Salvana na ang mga bakunado at boosted na ay may mababang tyansa na makaranas ng severe COVID-19 infection gaya ng iba pang omicron subvariants.

Samantala, iginiit naman ni Salvana na hindi kailangan na magpatupad ng mas mahigpit na alert level hangga’t nananatiling mababa ang healthcare utilization sa bansa kahit pa umabot sa libu-libo ang mga kaso ng COVID-19.