-- Advertisements --

Tinatayang aabot ng mahigit sa 20billion dollars o mahigit 1.03 trillion ang kikitain ng ekonomiya ng Qatar kasabay ng pag-host nito ng World Cup 2022.

Ayon kay Bombo International Correspondent Queny Gajete Parcon direkta sa Qatar, sinabi nito na tinuturing ng mga ekonomista ang ang World Cup ay magiging “transformative tournament” dahil sa magiging impact nito sa mga sektor katulad ng turismo, sports and construction,at iba pa.

Aniya,gagamitin ng Qatar ang nasabing tournament upang maipamalas ang mabilis na expansion nito katulad ng metro system, airport expansion, at pagtatayo ng bagong mga lungsod.

Dagdag nito, mahigit sa 1.5 million na mga trabaho din ang maibibigay nito.