-- Advertisements --

Inaasahan na sa pagtatapos ng taong 2021 ay magiging mas malala pa kumpara sa nauna nang inasahan ang ekonomiya ng bansa dahil sa patuloy na pagsipa ng mga COVID-19 infections habang nanantiling mabagal naman ang rollout ng pagbabakuna.

Ayon sa global think tank na Capital Economics, inaasahan nilang babagsak ng 12% ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas, mas mababa kumpara sa pre-crisis trend, at pinakamalaking gap sa anumang bansa sa Emerging Asia region.

Bago magkaroon ng pandemya, ang ekonomiya ng Pilipinas ay mayroong 6% growth.

Kung dati, “bad” lang ang economic outlook ng naturang London-based think tank, ngayon ay “worse” aniya ang kanilang assessment sa nakalipas na buwan dahil sa pagsipa ulit ng COVID-19 infections sa bansa.

Magugunita na sa mga nakalipas na mga araw ay pumalo sa mahigit 10,000 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kamakailan lang, napaulat na ang unemployment rate noong Pebrero ay pumalo sa 17.6%, pangatlo sa pinakamataas magmula noong Abril 2020 nang maitala ang peack ng lockdowns.

Bukod dito, nagpatupad ulit ng enhanced community quarantine sa mga lugar na napapabilang sa NCR Plus bubble mula Marso 29 hanggang Abril 11.