-- Advertisements --

Sumisilip na ang pag-asa para sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong naka-ahon na ang bansa makalipas ang ilang buwang recession dulot ng COVID-19 pandmeic.

Sa second quarter kasi ng 2021, lumago ng 11.8 percent ang ekonomiya ng Pilipinas makalipas ang limang magkakasunod na quarters na nasa negative territory ito.

Makasaysayan din ito sapagkat ang latest annual growth rate ay pinakamataas sa nakalipas na 32 taon.

business ncr investors makati

Magugunita na noon lang second quarter ng 2020 ay bumagsak sa -16.9% ang ekonomiya ng bansa, na muntikan nang mag-shut down dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

Pero bago pa ito, nasa -3.9 percent na rin kasi talaga ang ekonomiya ng Pilipinas sa first quarter pa lang ng taon.

Gayunman, ang latest reading sa economic growth ng bansa ay pinakamaganda sa mahigit tatlong dekada matapos na maitala ang 12 percent growth sa fourth quarter ng 1988.

Pinakamalaking ambag sa paglago ngayon ng ekonomiya ay ang construction industry na tumaas ng 25.7 percent, manufacturing industry na tumaas ng 22.3 percent, at ang buong retail trade at repair sa mga sasakyan na tumaas naman ng 5.4 percent.

Nabatid na tumaas din ang Household final consumption expenditure (HFCE) ng 7 percent, gross capital formation ng 75.5 percent, exports ng 27 percent, at imports ng 37.8 percent.

Bumaba naman ang final consumption expenditure ng gobyerno ng 4.9 percent, at ang net primary income ay bumaba rin ng 53.8%. 

Samantala, ang gross national income ay lumago ng 6.6%