-- Advertisements --
Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na makakabalik sa dating sigla ng ekonomiya pagdating ng Hulyo.
Mula kasi ng ilagay sa Alert Level 1 ang bansa ay nakikita nito ang panunumbalik na ng sigla ng ekonomiya ng bansa.
Kahit na mayroong inflation ay nakitaan ng may magandang consumer spending ang bansa.
Isa sa tumulong ng pagbalik ng sigla ang ekonomiya ay ang patuloy na pagsunod ng mga tao ng sa ipinatupad na health protocols.
Nanawagan din nito sa mga Local Government Units na dapat hikayatin nila ang mga mamamayan na magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.










