-- Advertisements --

“Hindi ito magiging magulo, kundi sobrang gulo” 

Ito ang naging pahayag ni Senate Committee on Local Government Chairman Senador JV Ejercito sa nakaambang pag-rehabilitate ng EDSA na nakatakdang simulan sa June 13. 

Nais malaman ngayon ni Ejercito kung nagsagawa ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ng economic impact assessment sa kabuuang rehabilitasyon ng EDSA.

Giit ng senador, posibleng mas makapinsala ito kaysa makabuti sa panandaliang panahon.

Mungkahi ng mambabatas, isagawa na lamang aniya ang kabuuang rehabilitasyon ng EDSA kapag operational na ang North-South Commuter Line at ang Metro Manila Subway System… 

Sa ganitong paraan, magiging mas madali ang paggalaw ng mga tao dahil may alternatibong mas mabilis at maayos na sistema ng transportasyon, na posibleng magpababa sa bilang ng mga sasakyan sa kalsada.

Sa kasalukuyang sitwasyon aniya kung saan marami pa ring sasakyan at motorsiklo ang gumagamit ng EDSA, at kung isasabay pa ang pagbabawal sa mga ito sa mga overpass at underpass, pati na rin ang paunang pagpapatupad ng NCAP (No Contact Apprehension Policy) — magdudulot ito nang matinding pwersiyo sa mga commuter.