-- Advertisements --
Muli na namang nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena matapos magtala ng 5.92 meters sa ginanap na torneyo sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.
Nalampasan ni Obiena ang dati niyang personal best na 5.85 meters doon sa Italy.
Kung maalala noong buwan lamang ng Mayo nagawang madepensahan din ni Obiena ang kanyang gold medal record sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
Sa katatapos lamang na torneyo sa Sweden nasa .01 lamang ay muntik na niyang malampasan ang personal best at Asian record na 5.93 na naitala niya sa Austria noong September 2021.