-- Advertisements --
Naka-focus ngayon si world number 2 pole vaulter EJ Obiena sa pagkamit niya ng gintong medalya sa Paris Olympics.
Matapos ang tagumpay nito noong 2023 sa SEA Games, Asian Games at sa World championships ay nasa Italy na ito ngayon para tutukan ang training.
Nakatutok din ang kaniyang coach na si Vitaly Petrov para sa tagumpay nito sa nasabing torneo.
Unang competition na sasalihan ay sa Europe sa buwan ng Pebrero na kabilang ito sa paghahanda sa Olympics.
Lahat aniya ng mga aral nitong 2023 ay magsisilbing inspirasyon para mas lalong pakatutukan nito ang ensayo.