-- Advertisements --

Nakapagbulsa ng gintong medalya si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa True Athletes Classic 2022.

Natapos nito ang 5.81 meter sa ikalawang pagsubok lamang sa torneo na ginanap sa Leverkusen, Germany.

Nahigitan nito si Rutgar Koppelaar ng Germany at Australian Kurtis Marschall.

Kapa na-clear ng mga German at Australian vaulter ang 5.81 meters subalit sila ay nagkaroon ng fault sa kanilang nagdaang vaults.

Bago nito ay nakakuha siya ng bronze medal sa Athletissima na ginanap sa Lussane noong nakaraang linggo.