-- Advertisements --
Muling nagkampeon si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa 2023 Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Torun, Poland.
Nakuha nito ang kampeonato ng tapusin niya ang 5.86 meters.
Tinalo niya si Rutger Koppelaar ng Netherlands na mayroon lamang 5.82 meter habang nasa pangatlong puwesto si Ben Broaders ng Belgium na mayroong 5.82m.
Sinabi nito na magpapahinga muna para agad na maka-recover mula sa pagod sa torneo.
Pinasalamatan din nito ang lahat na sumuporta sa kaniya at tiniyak na patuloy ang kanilang paglaban.