Nakatuon na lamang ang atensiyon ni Filipino pole vaulter EJ Obiena sa paglahok sa mga indoor competition.
Kasunod ito sa pagkakaroon niya ng lumalalang back pain.
Sinabi ng isa niyang adviser na si Jim Lafferty, na lumala lamang ang nasabing back injury nito sa 2023 ISTAF Indoor tournament sa Germany kung saan nagtapos siya ng ikalawang puwesto.
Dahil rin sa injury ay naapektuhan ang kaniyang performance sa Meeting Hauts-de-France Pas-de-Calais sa Lievin, France kung saan nagtapos ito ng huling puwesto.
Nagpasya sila na hindi muna lalahok ang 27-anyos na si Obiena sa mga indoor tournaments hanggang Marso.
Karamihang mga malalaking outdoor competitions ay magaganap sa Abril.
Nitong Martes ay nakabalik na sa bansa si Obiena kung saan nakipagpulong ito kay Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann.