-- Advertisements --
Magbibigay si Filipino pole vaulter EJ Obiena ng tulong pinansiyal kay sprint queen Lydia de Vega na nasa kritikal na kondisyon dahil sa breast cancer.
Sinabi ni Obiena na ilalaan niya ang P250,000 na kaniyang matatanggap mula sa Philippine Sports Commission (PSC) para kay de Vega.
Ang nasabing halaga kasi na ibibigay ng PSC ay dahil sa nakakuha ng bronze medal si Obiena sa katatapos na 2022 World Atlethics Championship.
Dagdag pa nito na maging ang kaniyang adviser na si James Lafferty ay nagsabi na kaniyang tatapatan ang perang ibibigay ni Obiena para kay de Vega.
Magugunitang humingi ng tulong pagdarasal at pinansiyal ang kaanak ni De Vega matapos an itakbo ito sa pagamutan dahil sa breast cancer.