-- Advertisements --

Hindi nawawalan ng focus para magwagi lalo si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa mga susunod na torneo lalo na sa Paris Olympics.

Ito ay matapos mabigo siya sa World Indoor Championships sa Glasgow.

Naging pang-siyam kasi ang puwesto ng 6-foot-2 Filipino nag mag-clear ito ng 5.65 meters.

Dagdag pa nito na walang ibang dapat na sisihin kung hindi ang sarili.

Sa ngayon ay pinaghahandaan nito ang torneo na sasalihan sa buwan ng Mayo bago ang pagsabak niya sa Olympics sa Agosto.