Nanawagan ng humanitarian aid si Egyptian football star Mohamed Salah para sa Gaza, na ilang araw nang sentro ng mga pambobomba.
Hindi aniya madali na magsalita sa mga ganitong pagkakataon ngunit batid nito ang labis na karahasan na nangyayari sa naturang lugar.
Ayon sa football star, napakarami ang lumalabas na kalupitan sa naturang lugar na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nadadagdagan.
Kailangan na aniyang matigil na ang mga nangyayaring kalupitan sa lugar, na nagdudulot ng pagkawasak ng maraming pamilya.
Kasabay nito, umapela ang Egyptian football star na mabuksan ang mga humanitarian aid papasok sa Gaza upang matulungan ang mga biktima roon.
Hindi na aniya maganda ang kondisyon ng mga taong nakabase sa naturang lugar, dahil sa sunod-sunod na pambobomba, pag-atake, at iba pang attroksidad na kanilang dinadanas.
Si Salah ay isa sa pinakamagaling na manlalaro ng football sa buong mundo, kung saan sa kasalukuyan ay nagsisilbi siyang team captain ng Team Egypt.