-- Advertisements --

Nag-negatibo na mula sa coronavirus disease (COVID-19) si Sec. Leonor Briones ng Department of Education.

Ito ang kinumpirma ng mismong kalihim sa isang interview nitong umaga.

Sa isang statement kamakailan, sinabi ng kalihim na noong April 8 nang ipaalam sa kanya ng Research Institute for Tropical Medicine na positive siya sa SARS-COV-2 na causative agent ng COVID-19.

Ang nasabing resulta ay bunga raw ng pagpapasailalim ng Education secretary sa pangalawang testing.

“This has been my second test. The first was on March 13 after a number of Execom members were exposed to a patient who tested for COVID-19; I received the result on March 16; it was negative.”

Nitong April 2 raw nang muling magpa-test si Briones matapos maiulat na nag-positibo ang isang kapwa niya Cabinet official.

“He and I attended an urgent and critical meeting of select Cabinet officials on March 23. My test result, as I said, was positive.”

Una ng sinabi ni Sec. Briones nananatili siyang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ang kalihim.

Nagpasailalim na rin si Briones sa isolation, pero nangakong magpapatuloy sa pag-attend sa meetings kahit sa pamamagitan ng virtual presentation.